
Binigyang katuparan ng Amazing Earth ang isa sa mga gustong ma-achieve ng Paralympic Athlete na si Jeferson Biteng.
Si Jeferson ay ang multi-medalist ng National Training Team for Para-Obstacle Course Racing o Para-OCR.
Ipinakilala ni Dingdong Dantes ang atleta at ibinahagi ang kuwento niya sa Amazing Earth noong February 4. Ayon kay Jeferson, matagal niya nang gustong subukan ang mag-zipline.
Tampok rin sa Amazing Earth ang Camotes Island para ipakita kung bakit ito ibinoto bilang best beach destination in 2022. Panoorin ang virtual tour ni Jovy Daño, ang kapatid ni Patani mula sa Survivor Philippines.
Subaybayan ang exciting na episodes ng Amazing Earth tuwing Sabado, 6:15 p.m. bago mag-Pepito Manaloto.
BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: