
Ibinahagi ni Miss Earth Philippines 2020 Roxanne Allison Baeyens ang kaniyang pro-nature advocacy sa Amazing Earth.
Sa episode nitong October 24, ibinahagi ng beauty queen kay Dingdong Dantes ang kahalagahan ng urban gardening at paano ito makakatulong sa ating kapaligiran.
Ikinuwento pa ni Roxanne kung bakit dapat bigyang halaga ang mga pageants pagdating sa pagtalakay ng iba't ibang issues sa mundo.
Napanood din ang Miss Earth Philippines 2020 at Amazing Earth hero sa kaniyang virtual tour sa Puerta Real Gardens sa Intramuros.
Panoorin ang susunod na adventure ni Dingdong sa Amazing Earth ngayong October 31 sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Dingdong Dantes, nagpasalamat sa parangal na Best Educational Program Host para sa 'Amazing Earth'