
Ngayong Linggo, April 17, may Easter Special episode ang Sunday infotainment show na Amazing Earth.
Sa episode na ito ay mapapanood ang mga bagong kuwento hatid ni Dingdong Dantes. Isa sa mga kuwentong tampok sa Linggong ito ay angel clouds. Isa nga ba itong natural phenomenon or divine design?
Photo source: Amazing Earth
Mapapanood din ang kuwento ng Catholic priest na si Fr. Ponpon Vasquez at ang kaniyang urban gardening and rabbit breeding project para mapakain ang kanilang poor parishioners sa Caloocan City.
Sa Linggong ito ay tutungo tayo sa Mt. Sipit Ulang sa Rodriguez, Rizal sa tulong ng isang local tour guide. Dadalhin niya tayo sa isang crab-shaped limestone formation.
Sa Easter Sunday ay magpapatuloy tayo sa pag-explore ng fascinating world ng planet's largest living fanged creatures. Abangan ang paghahatid ni Dingdong ng mga kuwento mula sa nature adventure series, Monster Constrictors!
Sama na sa Linggong puno ng adventure sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.