
Simula sa June 28, ise-celebrate na ang ika-anim na anibersaryo ng Amazing Earth.
Anim na taon nang napapanood si Dingdong Dantes sa kaniyang pagtuklas ng mga kuwentong may puso para sa kalikasan sa Amazing Earth at dadagdagan pa ito ng kapanapanabik, bago, at extreme na three-part special episodes.
Mapapanood ang three-part special episodes ng Amazing Earth sa June 28, July 5, at July 12.
Tampok sa thrilling three-part special episodes ang mga magaganap na bagong extreme adventures for the first time. Sa unang pagkakataon, mapapanood si Dingdong sa isang makapigil-hiningang underwater adventure kasama ang pinsan niyang si Arthur Solinap. Susubok din sa exciting na cliff diving sa loob ng kuweba si Miss Earth-Air 2023, Yllana Aduana. Makikilala din natin ang 65-year old na "Lola Scubasurera" ng Hundred islands!
Abangan din ang narration ni Dingdong sa bagong chapter ng nature documentary na Africa's Deadliest.
Let's celebrate our amazing planet sa Amazing Earth. Tutukan ang 6th anniversary ng Amazing Earth sa June 28, July 5, at July 12, 9:35 p.m. sa GMA at sa Pinoy Hits
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.