GMA Logo Dingdong Dantes in Amazing Earth
What's on TV

'Amazing Earth' premieres special series 'Amazing Earth in the City'

By Maine Aquino
Published March 12, 2025 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes in Amazing Earth


Abangan ang special series ng 'Amazing Earth' simula March 14 sa bago nitong oras na 9:25 p.m.

Magsisimula na ang special series na handog ng Amazing Earth.

Simula sa March 14, mapapanood sa Amazing Earth ang special series na "Amazing Earth in the City." Tampok sa special series na ito ang pagbabahagi ni Dingdong Dantes ng iba't ibang urban destinations. Ibabahagi ng Kapuso Primetime King at award-winning host ang mga dapat alamin at tuklasin ng ating mga amazing adventurers.

Tampok sa ating unang episode sa "Amazing Earth in the City" ang pagbisita ni Dingdong sa Miranila Heritage House and Library.

Makakasama pa natin sa Biyernes ang Sparkle artist na si Kim De Leon para ibahagi ang Amazing Freediving Challenge na kaniyang ginawa sa Batangas.

Bago at exciting din ang ating mapapanood na serye simula sa March 14. Abangan ang pagsisimula ng mga kuwento ni Dingdong tungkol sa Earth's strangest sea creatures mula sa newest wildlife series na “Alien Abyss: Origin Stories”.

Abangan ang Amazing Earth ngayong Biyernes (March 14), 9:25 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.