What's Hot

Amazing facts about Samuel L. Jackson

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 23, 2020 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: January 2, 2026 [HD]
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado ng gabi,  mas kilalanin ang Hollywood star na si Samuel L. Jackson sa 'GMA Blockbusters!'
By EUNICIA MEDIODIA


 
Kung mahilig kayo sa Marvel Comics, siguradong familiar kayo sa pelikulang Captain America at Avengers. Kabilang sa cast ng mga ito ang iconic actor na si Samuel L. Jackson. Mapahanga sa kanyang angking galing, at ito ang ilan sa mga amazing facts tungkol sa actor.
 
Guinness Book of Records
 
Natala sa Guinness Book of Records na si Samuel L. Jackson ang highest grossing actor. Kumita ng $7.42 billion in total ang mga films kung saan nakasama siya sa 2009 edition of the Guinness World of Records.

Speech
 
Naging problema niya ang kanyang stuttering nuong bata pa siya. Pinayuhan siya na subukang sumali sa mga plays para ma-improve ang kanyang pananalita. Nakatulong ito kaya magmula nuon, nakahiligan na niyang gumanap sa mga plays.
 
Doorman
 
Bago pa man maging sikat na artista si Samuel L. Jackson, nagtrabaho siya bilang doorman sa Manhattan plaza kung saan maraming nakatirang mga artista.
 
FBI Agent
 
Naging FBI Agent si Samuel L. Jackson sa Snakes on a Plane, isang action-thriller film. Nagkaroon ng fanbases online at naging Internet phenomenon ang pelikula niyang ito bago pa man mapalabas sa mga sinehan. 
 
Alamin kung bakit pinag-usapan bago pa man maipalabas ang Snakes on a Plane ng netizens worldwide sa GMA Blockbusters this Saturday at 7:45 p.m.

The fun doesn't stop there, check GMA's Sunday program lineup here.