
Action-packed ang mga kuwentong handog ni Dingdong Dantes ngayong Linggo sa Amazing Earth.
Sa episode ngayong July 11, mga kuwento mula sa Africa na kilala rin sa tawag na Last Frontier ang ating masusubaybayan.
Photo source: Amazing Earth
Ibabahagi ng Kapuso Primetime King ang iba't ibang paraan ng mga hayop para maka-survive sa kanilang tinitirhan. Ang mga ito ay mula sa nature documentary na Seven Worlds, One Planet.
Abangan ang exciting at puno ng adventure na episode na ito ng Amazing Earth ngayong Linggo, 7:40 p.m. sa GMA Network.
Related content:
Amazing Earth: Ang kuwento ng Hinatuan Enchanted River