Article Inside Page
Showbiz News
Isa na namang maaksyon na Linggo ang hatid sa inyo ni Pacman kasama sina Kylie Padilla, Rhian Ramos at ang champion cyclist na si Mark Galedo sa 'MP featuring Sport Science.'
By AL KENDRICK NOGUERA

Kung nakaraan ay ipinakita sa atin ng
MP featuring Sport Science na walang tinatawag na tsamba, ngayon naman ay ituturo ng show kung paano gawin ang nakamamanghang tricks pagdating sa sports!
Sa tulong pala ng science, lahat ng imposible ay puwedeng gawin! Ayon nga kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao, diskarte lang daw ang kailangan!
Bukod sa amazing tricks na ito, magpapakitang-gilas sina Kapuso stars Kylie Padilla at Rhian Ramos sa kanilang sports. Hindi biro ang sports nila dahil kadalasan ay kalalakihan ang gumagawa ng mga ito.
Kung si Kylie ay master ng mixed martial arts, magugulat naman kayo kay Rhian dahil car racing pala ang itinatagong sport!
May bonus pa dahil ikukuwento ng cyclist na si Mark Galedo kung paano niya nasungkit ang Le Tour de Filipinas championship title kamakailan!
At siyempre, mawawala ba si Sefferman? Ano'ng sports challenge naman kaya ang haharapin niya?
Lahat ng ‘yan ngayong Linggo ng gabi sa MP featuring Sport Science, pagkatapos ng Bet ng Bayan.