
Pagkatapos ng ambush kay Cong. Enrique, si Mayor Migs naman ang tinangkang patayin.
Sumama naman sina Emong at Kobe kay Gelay sa orientation ng proyekto ni Cong. Enrique pero pinagbababaril din ang kanilang sasakyan.
Sino ba ang nasa likod ng mga ambush sa Bayan ng Ulilang Kawayan?
Alamin ang sagot at panoorin ang nakakakilig at nakakatawang eksenang ito sa March 15 episode ng TODA One I Love.
Patuloy na subaybayan ang kapana-panabik na eksena ng TODA One I Love, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Onanay.