GMA Logo SLAY poll result
What's on TV

Amelie, suspek ng 'SLAY' viewers sa pagkamatay ni Coach Zach

By Aimee Anoc
Published April 11, 2025 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY poll result


Sang-ayon ba kayo sa naging resulta ng poll kung saan si Amelie ang itinuturong suspek ng karamihan sa pagkasunog at pagkamatay ni Coach Zach?

Pinangalanan na ng SLAY viewers kung sino sa tingin nila ang suspek sa pagkasunog at pagkamatay ng fitness influencer na si Coach Zach (Derrick Monasterio)!

Para sa ikatlong linggo ng murder mystery series na SLAY, si Amelie (Gabbi Garcia) ang itinuturong suspek ng karamihan sa pagkamatay ni Zach.

Base sa poll result, si Amelie ang nakakuha ng pinakamataas na boto na may 31.5 percent. Pumapangalawa naman si Sugar (Mikee Quintos) na mayroong 18.4 percent votes, na sinundan nina Liv (Julie Anne San Jose) at Yana (Ysabel Ortega) na parehong nakakuha ng 10.5 percentent votes.

Nasaksihan sa SLAY na pare-parehong may motibo sina Amelie, Sugar, Yana, at Liv sa pagpatay kay Coach Zach. Si Amelie nga ba ang hinahanap na suspek sa pagkamatay ni Zach?

Abangan ang tumitinding mga eksena at rebelasyon sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.

MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: