
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa June 24 (Miyerkules) episode nito, gagamitin ni Pirena (Glaiza De Castro) ang pagmamahal ni Amihan (Kylie Padilla) sa anak niyang si Lira (Mikee Quintos) upang mahuli ito.
Ngayong bihag na ng mga Hathor si Amihan, pipilitin siya ng mag-amang sina Hagorn (John Arcilla) at Pirena upang isuko ang Brilyante ng Hangin.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.