Article Inside Page
Showbiz News
Tweetbiz: Ampalaya Anonymous, may bago nang pangalan
Naging kontrobersiyal ang pangalang Ampalaya Anonymous dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang intriga ng grupong ito na binubuo ng mga sikat na personalidad kabilang na sina Angel Locsin, Cristine Reyes, Maxene Magalona, Bianca King, at Bubbles Paraiso.

Dahil nga sa negative na ang image ng Ampalaya Anonymous, nagdesisyon ang magbabarkada na baguhin na ang pangalan nila into VAMPS.
Na-interview ng
Tweetbiz ang isa sa mga miyembro nito na si Bubbles Paraiso para hingan ng paliwanag tungkol sa pagpapalit nila ng pangalan. Ayon kay Bubbles, it’s still the same group. Hindi raw sila isang gang o sorority group kundi isang barkada. Kung ano raw ang gusto nilang itawag sa grupo nila, karapatan na raw nila iyon.
Nagsalita rin si Maxene Magalona, na nagkataong ChizMax Girl ng
Tweetbiz, tungkol sa isyung ito. Aniya, ang pangalang VAMPS ay katuwaan lang ulit ng barkada nila. Hindi naman daw ito seryosong grupo. Naisip lang daw nila ang pangalang ito dahil mahilig nga silang mag-bonding tuwing gabi.
Dahil uso nga ang
Eclipse movie na bahagi ng Twilight Saga kung saan bida ang mga vampires, kaya rin nila naisip ang VAMPS. Pero nilinaw ni Maxene na hindi naman sila nangangagat o naninipsip ng dugo.
Bukod kina Maxene at Bubbles, kasama rin sa VAMPS ang mga kapatid nila na sina Saab Magalona at Paolo Paraiso. Kabilang din sina Angel Locsin, Chito Miranda at iba pa nilang friends.
Hindi na raw nila nakakasama ngayon sina Cristine Reyes at Bianca King dahil sa busy schedules. Sabi ni Maxene, hindi raw kasama sa grupo nila sina Glaiza de Castro at Rich Asuncion. Napagkakamalan daw na kasama ang dalawa dahil mga kaibigan niya ang mga ito. -
Tweetbiz
Catch
Tweetbiz on Q Channel 11 from Monday to Friday at 7:30 PM with replays at 10:30 PM.
Pag-usapan ang bagong pangalan ng Ampalaya Anonymous sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get more updates from these stars thru their Fanatxt service! Text
MAXENE/BIANCA/BUBBLES/GLAIZA/RICH (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS Wallpapers text GOMMS (space)
MAXENE/BIANCA/BUBBLES/GLAIZA/RICH (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is available in the Philippines.