GMA Logo Amy austria in magpakailanman
What's on TV

Amy Austria, bibida sa Mother's Day special ng 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 6, 2026 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Insidente sa pagpangawat sa pipila ka pwesto sa isdaan, sapul sa CCTV I One Mindanao
Female cadet from Batangas leads PMA Class of 2026
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Amy austria in magpakailanman


Si Amy Austria ang bibida sa unang Mother's Day special ng 'Magpakailanman' ngayong taon.

Si veteran actress Amy Austria ang magbubukas ng serye ng Mother's Day specials ng Magpakailanman.

Bibida siya sa unang episode ng iba't ibang kuwento ng mga ina sa month-long celebration ng real-life drama anthology.

Pinamagatang "Ang Inang Hindi Sumuko: The Nanay Minerva Panganiban Story," kuwento ito ng nanay na nag-viral online dahil sa iba't ibang mga sinapit ng kanyang mga anak.


Sa kabila ng kanyang edad, patuloy niyang inaalagaan ang mga anak. Dalawa pa dito ang may special needs.

Kasabay nito, naghananap din siya ng hustisya para sa pagkamatay ng asawa at isa pang anak.

Makakasama ni Amy Austria sa episode sina Soliman Cruz, Patricia Tumulak, Prince Clemente, Jeff Moses, Matthew Uy, at Miggs Cuaderno.

Abangan ang brand-new episode at unang Mother's Month special na "Ang Inang Hindi Sumuko: The Nanay Minerva Panganiban Story," May 9, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.