GMA Logo Amy Austria in Tadhana
What's on TV

Amy Austria, iibig sa foreigner sa 'Tadhana: Fake Love'

By Bianca Geli
Published March 28, 2025 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Amy Austria in Tadhana


Tunay kaya ang pag-ibig na mahanap ni Pillar (Amy Austria) sa kanyang dayuhan na nobyo?

Sa Tadhana, isang kwento ng Pinay OFW (Overseas Filipino Worker) na nakipagsapalaran kabila ng hiling ng kanyang pamilya sa Pilipinas, hindi pa rin makauwi ang Pinay OFW na si Pillar (Amy Austria) mula sa Spain.

Pakiusap kasi ng kanyang amo na mag-extend pa siya ng ilang buwan. Pero ang pinakahihintay na pagbabalik ni Pillar sa Pilipinas, mababalot ng matinding pighati at pagsisisi.

Sumakabilang buhay na ang kanyang asawa nang siya'y nakauwi at ang kanilang anak naman, nalulong sa bisyo.

Makalipas ang isang taong pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang asawa, muling magmamahal si Pillar, sa isang foreigner na magdadala ng bagong ligaya sa kanyang masalimuot na buhay.

Tunay kaya ang mga ipinangako ng dayuhan na nobyo ni Pillar?

Abangan ang kwento ng Tadhana: Fake Love, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube channel.