
Isang natatanging pagganap mula sa beteranang aktres na si Amy Austria ang matutunghayan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamatagang "The Rejected Mother," gaganap siya bilang Mely, nanay na walang papel sa kasal ng kanyang anak.
Imbitado nga si Mely sa kasalan pero hindi siya bahagi ng entourage at hindi rin kasama sa family pictures.
Bakit nga ba humantong sa ganito ang relasyon niya sa pamilya?
May pagkakataon pa bang magkaayos si Mely at mga anak niya?
Makakasama ni Amy sa episode sina Ashley Ortega, Princess Aliyah, at Mon Confiado.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "The Rejected Mother," June 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.