
May mahalagang advice ang celebrity mom na si Amy Perez para sa mga kapwa niya nanay na hindi raw dapat makalimutan.
Sa episode ng Kapamilya noontime show ngayong Sabado, December 13, nagbahagi ang mga It's Showtime host ng kanilang wish. Paran kay Amy, gusto niyang magkaroon ng personal time.
Lahad niya, “Ang wish list ko as a busy mom, siguro baka ano lang, 'yung maka,date ko 'yung sarili ko.”
Dito niya ikinuwento na sinubukan niyang malibot-libot ng solo nang mag-travel sila ng family niya sa New York ngayong December.
“'Tapos, wala pang 24 oras, hinahanap na ako ng mga anak ko, biro ni Amy.
Nagpaalala rin siya sa mga kapwa niya nanay, “Pero importante kasi yun sa mga nanay para makapagbigay din tayo ng love, kailangan ire-recharge natin 'yung sarili natin.”
May dalawang anak si Amy na sina Kyle and Isaiah sa asawa niyang si Carlo Castillo. Habang si Adi ay ang anak na lalaki ng Kapamilya host sa dating partner na si Brix Ferraris.
Related gallery: Celebrities in New York