What's Hot

Ana Feleo, inaasahang matatapang at masisipag ang kanyang mga estudyante sa Sparkle Prime Workshop

By Maine Aquino
Published March 17, 2022 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Taekwondo medalists from the Philippines in the 2025 SEA Games
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Ana Feleo


Alamin ang expectations ng Sparkle Prime Workshop headteacher na si Ana Feleo.

Inamin ni Ana Feleo ang kaniyang expections sa mga sasali sa Sparkle Prime Workshop.

Ang Sparkle Prime Workshop ay ang pinakainaabangang workshop na binuksan ng GMA Network para sa mga aspiring actors and actresses. Ito ay pangungunahan ni Ana Feleo na kilalang acting coach sa bansa.

Ana Feleo

Photo source: @anagfeleo

Kuwento ni Ana sa interview, "Hindi ko ine-expect na magaling na sila. Ang ine-expect ko though ay sipag."

Para sa headteacher ng Sparkle Prime Workshop, may qualities siyang hinahanap para sa mga sasali rito.

"Ang ine-expect ko sipag at tapang. 'Yun lang kasi kanya-kanyang talent 'yan, kanya-kanyang background, kanya-kanyang advancement. Meron I think interested, sasali from theater na. Tapos na ng theater or tapos na ng college but want to take this."

Inilahad ni Ana na importanteng matandaan ng mga sasali sa Sparkle Prime Workshop ang kahalagahan ng pagkuha nito para i-improve ang sarili.

"The workshop is between you and your work. It's not between you and your other classmates."

Isang post na ibinahagi ni Ana Guillen Feleo (@anagfeleo)

Dugtong pa ni Ana, gusto niyang makita ang mga matatapang at masisipag na mga estudyante sa acting workshop.

"Ang batayan ko lang is sige kanya-kanya kayo ng talent, pero kailangan ang standard ninyo ng commitment sa tapang at sa sipag, kailangan mataas. 'Yun lang ang request ko."

Ang Sparkle Prime Workshop ay magsisimula na ngayong March 21.

Alamin ang workshop experience ng Sparkle's Brightest Stars of 2022 dito: