GMA Logo ana roces and anna vicente
What's Hot

Ana Roces, Anna Vicente, papayag kayang mag-artista ang kanilang mga anak?

By Dianne Mariano
Published June 13, 2022 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

ana roces and anna vicente


Ang mga aktres na sina Ana Roces at Anna Vicente ay parehong proud mommies of two na ngayon.

Parehong proud mommies of two kids ang mga aktres na sina Ana Roces at Anna Vicente, na ay tampok sa episode ng Dapat Alam Mo! kamakailan.

Kamakailan lamang ay ipinost ni Ana ang kanyang proud mommy moments sa Instagram matapos gumraduate ng dalawa niyang anak na sina Mateo at Carmela sa grade school at senior high school.

“I can't help but be emotional lalo na't sabay sila na nag-graduate. 'Yung son ko naman the past two years na nasa bahay siya, ako 'yung nag-tutor sa kanya so naging very hands-on ako. Talagang emotional rollercoaster 'yung naramdaman ko because they graduated,” pagbabahagi niya.

Tinanong din ang aktres kung mayroon bang plano ang kanyang unica hija na pumasok sa mundo ng showbiz. Aniya, “Nasa sa kanya 'yon pero nakikita ko sa kanya na ang priority talaga niya is really her studies.”

PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo! (show page)

Para naman kay Anna, hindi matutumbasan ng kahit anong role ang pagiging isang nanay. Matatandaan na ipinanganak ng dating Ang Dalawang Ikaw star ang kanyang twins na sina Alexandra Isabelle at Isaiah Paolo nitong February 23.

“As much as possible, I want to grow with them kasi s'yempre sandali lang 'yung oras talaga na bata sila. I'm a hands-on mom to the twins kasi ang hirap talaga nilang iwanan,” wika niya.

Open naman daw ang aktres sa future projects ng kanyang mga anak. Saad niya, "Sabi ko nga sila na lang 'yung magtuloy ng dreams ko. I'm open naman, e, sabi ko nga gusto ko na sila mag-commercial models.”

PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo! (show page)

Alamin ang kuwento nina Ana at Anna bilang mommies sa Dapat Alam Mo! video sa ibaba.

Patuloy na subaybayan ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang showbiz personalities na nanganak ngayong 2022 sa gallery na ito.