
Para sa ikatlong bahagi ng week-long Christmas special ng Family Feud ay masasaksihan natin ang exciting na tapatan ng energetic kids ng celebrities.
Ngayong December 17, maghaharap ang teams na Little Hugs at Little Kisses na kinabibilangan anak ng ilang well-loved celebrities sa Family Feud stage.
Maglalaro sa Little Hugs si Jianna Zhia Sto. Tomas, ang granddaughter ng action star na si Jeric Raval; si Dylanne Jailee Pacheco, ang anak ng Kapuso actor na si Dion Ignacio; si Hbib “Bibo” Cortez Rkhami, ang anak ng comedian-actress na si Cai Cortez; at si Kaeden Michael Velasco ang anak ng host and content creator na si Chef Rosebud Benitez.
Para naman sa Little Kisses maglalaro si Eliana Kyrie Holmes, anak ni Bradley Holmes ng Shamrock at si Brycen Christian Lucas, anak ng Kapuso actor na si Jon Lucas pero sasamahan siya ng kaniyang mommy na si Shay sa Family Feud. Bahagi rin ng kanilang team si Gabriel Lucas de los Reyes, ang anak ng aktres at freelance assistant director na si Karen de los Reyes; at si Phoebo Kristoffer Bonilla na anak ng Philippine Idol winner na si Mau Marcelo.
Abangan ang festive episode with the cutie contestants sa Family Feud ngayong December 17, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: