
Naka-recover na sa wakas ang anak ni Dennis Trillo na si Calix Andreas Ho matapos itong masangkot sa isang car accident kamakailan lang.
Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend, sinabi ng fencing athlete na sa bandang kamay ang kanyang natamong injury.
Ngunit pagbabahagi ni Calix, "I've been back to training since last week po and I've been feeling better, I've been feeling really much better. I had a cast lang po tapos I chose the conservative way na lang po kasi I really didn't want to have surgery on it talaga."
Nilinaw naman ni Calix na hindi siya na-trauma sa pagmamaneho, pero sinabing marami siyang natutunan sa naranasan.
Sa ngayon, hindi na muna pinapayagan nina Dennis at Jennylyn na magmaneho si Calix at ipinapaubaya muna sa driver ang paghatid at sundo sa kanilang anak.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAG-SURVIVE MULA SA MGA CAR ACCIDENT SA GALLERY NA ITO:
Matatandaan na noong May, ibinahagi ni Dennis Trillo sa isang social media post na naaksidente ang anak niyang si Calix matapos nitong makatulog habang nagmamaneho.
"Kaninang 5am, nakatulog habang nagda-drive mag-isa 'yung panganay ko. Bumangga siya sa island at tumaob 'yung kotse… Total wreck…" sulat ni Dennis.
Ani Dennis, minor bruises lang ang natamo ni Calix at wala naman ibang nadamay sa nangyaring aksidente.
Sa kaniyang post, nagpahatid pa rin ng pasasalamat ang Kapuso Drama King na hindi matindi ang kinalabasan ng nangyari para sa kaniyang anak at sa ibang tao.
Sa huli, nagbigay ng paalala ang aktor, "Lesson…'pag inaantok, 'wag piliting mag-drive. Pwedeng mag-stop over muna, para mag-unat-unat or umidlip."
Panoorin ang panayam kay Calix dito: