Celebrity Life

Anak ni Kylie Padilla na si Alas Joaquin, marunong nang magselos?

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 19, 2019 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kanyang social media post, nag-kuwento si Kylie Padilla sa pagkakataon kung kailan nagpapakita ng pagseselos ang panganay na anak.

Natutuwa si Kylie Padilla dahil bukod sa magiging kuya na ang kanilang anak na si Alas, may isang katangian din itong kinagigiliwan nila ni Aljur Abrenica.

Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Kylie na nararanasan na nila ngayon ang mga pinapanood lang nila dati noong ipinagbubuntis pa lang niya si Alas.

READ: Kylie Padilla, bakit nahihirapan paniwalaan na 2 years old lang si Alas?

"Naalala ko pa nung nanunuod pa kami ni Aj ng videos nung buntis pa ako, ng mga baby na nagseselos 'pag nag-ki-kiss ang mga magulang nila," sulat ni Kylie sa caption.

"Ngayon na-experience namin lalo kami na-in love sa pagiging magulang."

Dagdag ni Kylie, hindi pa rin sila makapaniwala na nagkaroon sila ng anak katulad ni Alas.

"Minsan 'pag nakahiga na kami at matutulog na, 'di kami makapaniwala na may bata nang natutulog sa gitna namin," kuwento niya.

"'Can you believe we made him?' Tinatanong ko s'ya palagi.

"Sagot lang nya, 'Oo, nakagawa tayo ng anghel.'"

Protective si Alas. Totoo pala yun. At ang kyot kyot. Naalala ko pa nung nanunuod pa kami ni Aj ng videos nung buntis pa ako, ng mga baby na nag seselos pag nag kikiss ang mga magulang nila. Ngayon naexperience namin lalo kami nainlove sa pagiging magulang. Minsan pag nakahiga na kami at matutulog na, di kami makapaniwala na may bata ng natutulog sa gitna namin. “Can you believe we made him?” Tinatanong ko sya palagi. Sagot lng nya, “Oo, nakagawa tayo ng anghel.” Sagot ko lng sa isip ko, salamat at tulog na kasi pagod na si mama at papa LOL 😂

A post shared by 🌙 (@kylienicolepadilla) on


IN PHOTOS: Kylie Padilla's classy maternity shoot for baby number two