Article Inside Page
Showbiz News
Ayon sa ulat ng 'Balitanghali', sa unang pagkakataon ay nagpost si Mark ng mga larawan ng kanyang anak matapos ito mabinyagan noong May 28.

Bininyagan noong May 28 ang anak ni Kapuso actor, Mark Herras na si Ada Sofia Nicolette. Kitang-kita na sobrang close ang mag-ama base sa mga Instagram posts ni Mark.
Ayon sa ulat ng
Balitanghali, sa unang pagkakataon ay nagpost si Mark ng mga larawan ng kanyang anak noong binyag nito. Sweet na sweet si Mark at ang kanyang baby sa pictures. Talong magkakasunod na larawan ang ipinost niya sa kanyang Instagram account na
@marktheherras.
Nilagyan ni Mark ng caption na “Pinaka magandang blessing ka ni God sakin #adasofianicoletteherras always remember that... Iloveyou ada” ang isa sa mga larawan.
May mga litrato rin ang mag-ama kasama ang mga ninong, ninang at ang ilan nilang kamag-anak. Kabilang ang Kapuso stars na sina Kristoffer Martin, Enzo Pineda, Steven Silva, Jay-R, Mayton Eugenio, Aicelle Santos, Kris Lawrence at Frencheska Farr sa mga dumalo. Nandoon din ang
StarStruck batchmate ni Mark na si Jade Lopez.
Very blessed daw si Mark sa kanyang cute na anak na si Baby Ada. February this year nang aminin ni Mark na isa na siyang ama. (See more at
"Gusto ko pong patunayan sa mga tao na aayusin ko 'yung buhay ko for my baby" - Mark Herras)
Inulan din ng suporta si Mark Herras mula sa mga netizens at mga kaibigan sa industriya. (See more at:
Mark Herras gets an outpouring of support after big revelation
-
Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com