GMA Logo Rochelle Pangilinan and daughter Shiloh
Source: rochellepangilinan (IG)
Celebrity Life

Anak ni Rochelle Pangilinan, kinanta ang iconic Sexbomb hit na 'The Spageti Song'

By Marah Ruiz
Published May 20, 2025 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan and daughter Shiloh


May pa-sample ang anak ni Rochelle Pangilinan na si Shiloh sa iconic Sexbomb hit na 'The Spageti Song.'

Ipinasilip ni Kapuso actress Rochelle Pangilinan ang bonding time nila ng anak na si Shiloh tuwing gabi.

Ibinahagi ni Rochelle sa kanyang Instagram account ang isang maikling video ng pagpa-praktis nila ni Shiloh ng Tagalog bago matulog.

Habang nasa kama at suot ang kanilang pajamas, nagbigay ng tanong si Rochelle sa kanyang anak.

"Tagalog time. Ano'ng Tagalog ng 'ambag mo?'" aniya.

Hindi naman inaasahan ang sagot ni Shiloh dahil bigla na lang itong kumanta ng ilang linya ng iconic Sexbomb hit na "The Spageti Song."

Matatandaang sumikat si Rochelle bilang bahagi ng popular na grupo.

"Sumakit ang ulo ko! Sexbomb, Sexbomb, Sexbomb," pag-awit ni Shiloh.

Nagulat na lang si Rochelle sa sagot ng anak.

"Bakit 'yan ang kanta mo?" tanong niya muli habang natatawa.

"Spaghetting pababa, pababa nang pababa," pagpapatuloy ni Shiloh sa pagkanta.

Pero hindi papayag si Rochelle na hindi sila mag-praktis ng Tagalog kaya muli niya itong binato ng tanong.

"Ano'ng Tagalog ng spaghetti?'" biro niya.

"Pasta," sagot ni Shiloh matapos saglit na mag-isip.

Muling natawa si Rochelle sa anak.

"Tagalog ng spaghetti, pasta? Pancit!" pagtukso niya.

"Good night," sagot naman ni Shiloh bago magtakip ng kumot.

Panoorin ang nakakaaliw na kulitan ng mag-ina dito.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)


Samantala, kasama si Rochelle sa cast ng upcoming Cinemalaya film ng Child No. 82 na pagbibidahan nina Vhong Navarro at PBB alum JM Ibarra.

Source: rochellepangilinan (IG)

Bahagi din si Rochelle ng action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila na pinagbibidahan ni primetime action hero Ruru Madrid.

Gumaganap siya dito Karina, isang mananahi na naging assassin.

Abangan si Rochelle Pangilinan sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.