
Naghatid ng good vibes online ang anak ni Sheena Halili na si Baby Martina.
Kinaaliwan ng netizens at fans ni Sheena na sobrang bibo ng kaniyang anak habang nag-iikot sila sa isang mall.
Sa Instagram post ng StarStruck alumna noong May 5, ipinasilip niya ang mini-dance performance ng kanilang baby girl.
Hirit ni Mommy Sheena, “Mall show yarn? 😂💗 nag-mall na naman kagabi si madame maliit!”
Sunod-sunod naman ang komento ng mga netizen na kinaaliwan ang cute video ni Martina.
Isinilang ni Sheena ang anak niya kay Atty. Jeron Manzanero na si Martina Candice noong December 12, 2020.
Heto ang ilan sa adorable photos ni Martina Candice sa gallery na ito.