
Malungkot na ibinalita ni Lolit Solis ang pagpanaw ni TJ, anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti.
Bahagi ni Lolit sa kanyang Instagram post, “Sabi ni Dolor, lymphatic cancer daw at kanina lang daw madaling araw bumigay ang panganay nila. Nakaka-sad talaga na iyon anak mo mauna sa iyo na kunin ni God.”
Hindi man pinasok ni TJ ang mundo ng showbiz tulad ng kanyang magulang at mga kapatid, pansin pa rin ng beteranang talk show host at manager ang pagiging mabait at magalang nito.
Patuloy niya, “Sana ma-overcome nila ang sadness na ito. We pray that God will welcome TJ, sana forever his memories, his happy ones will always be remembered. We pray for you TJ. We pray for Tirso and Lyn, for the Cruz family, we honor your sadness, we will always be praying for you.”