
Sa huling dalawang linggo ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, lalong tumitindi ang mga eksena lalo na't nagkaalaman nang iisa ang ama nina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez).
Hindi naman maiwasan ng mga fans na ikumpara ang istorya ng dalawa sa recent episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan tampok ang dalawang pamilya na nagkapalit ng sanggol sa episode na "Baby Switching."
Komento ng isang fan, "I #kmjs na Yan. Mr lazatin pki tulungan Sila."
Napanood ng mga Kapuso ang mala-teleseryeng kuwento sa "Baby Switching" episode ng KMJS, ang istorya nina Aphril Sifiata at Margareth Mulleno na nagkapalit ng sanggol noong nagkasabay sila ng linggo ng panganganak sa H Vill Hospital sa Rodriguez, Rizal.
Sa ginawang cross-DNA test ng dalawang pamilya, nadiskubreng nagkapalit nga ang dalawang sanggol na inaruga at iniuwi nina Aphril at Margareth. Sa tulong ni Mr. Jaime Lazatin, DNA Testing Center Representative, natuklasan na hindi pala anak nina Aprhil at Margareth ang nauwi nilang sanggol.
Sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, magkakalabasan na ng katotohan sa kaarawan ni Joaquin (Jay Manalo) at malalaman na sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez) pala ay parehas niyang anak sa magkaibang babae. Sino kaya kina Sussie (Dina Bonnevie) at Amy (Snooky Serna) ang tunay na ina nina Ginalyn at Caitlyn?
Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, Lunes Hanggang Biyernes 8:00 PM sa GMA-7.