
Ililigtas ni Ginalyn (Barbie Forteza) si Sussie (Dina Bonnevie) mula sa paparating na sasakyan. Nang makita ito ni Caitlyn (Kate Valdez) aakalain nito na nag-aaway ang dalawa at ipagtatanggol nito si Sussie mula kay Ginalyn. Aawayin ni Caitlyn ang kapatid at pipigilan sila ni Joaquin (Jay Manalo). Sa kasamaang palad, aatakihin sa puso si Joaquin, at itatakbo sa ospital.
Dahil sa sitwasyon ni Joaquin, mapipilitan na sina Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie) na mag-ayos para sa kanilang mga anak.
Pero kahit na magkaayos na sina Amy at Sussie, hindi pa rin kayang tanggapin ni Caitlyn si Ginalyn kahit pa niligtas siya nito
Panoorin ang March 10 episode highlights ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday:
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: My half-sister's heavy heart | Episode 60
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Amy and Sussie finally reconcile | Episode 60
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday: Ginalyn saves Sussie | Episode 60