GMA Logo Anak ni Wilma Doesnt na si Asiana at mga kaibigang modelo, sasagupa sa Wattpad Boys ngayong hapon sa Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Anak ni Wilma Doesnt na si Asiana at mga kaibigang modelo, sasagupa sa Wattpad Boys ngayong hapon sa Family Feud

By Maine Aquino
Published March 26, 2026 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BARMM execs welcome law resetting polls to Sept. 2026
No foul play seen in death of missing Grade 9 student —Pasig police
AirAsia Ph expands Vietnam Network with launch of Manila-Hanoi route

Article Inside Page


Showbiz News

Anak ni Wilma Doesnt na si Asiana at mga kaibigang modelo, sasagupa sa Wattpad Boys ngayong hapon sa Family Feud


Kilalanin ang players ng The Wattpad Boys at Glamour Force sa bagong “four-ever ang tawa, four-ever ang saya” 4th anniversary episode ng 'Family Feud.'

Up-and-coming actors at new names sa local fashion scene ang aabangan sa exciting Thursday episode ng Family Feud.

Sa pagpapatuloy ng “four-ever ang tawa, four-ever ang saya” 4th anniversary ng Family Feud ngayong March 26, tapatan ng next generation of Filipino talent ang masasaksihan.

Mapapanood sa The Wattpad Boys ang rising wave of young leading men sa hit TV adaptations. Tampok sa Family Feud stage ang former varsity basketball player from Davao City, cum laude Communication graduate, at Pinoy Big Brother alum na si Lance Carr. Makakasama niya ang anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez na si Andre Yllana. Kabilang din sa The Wattpad Boys ang versatile actor and singer, at dedicated badminton player na si Keagan De Jesus, at ang versatile Filipino-Israeli talent, dancer, actor, and model na si JD Axie.

Family Feud

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakatapat nila ngayong Huwebes ang young models ng Glamour Force. Maglalaro sa Family Feud ang swimmer, law student, at anak ni Wilma Doesnt na si Asiana Doesnt; si Chrisain Bongars na kilala bilang modelo at nag-aaral ng kaniyang Master's sa Clinical Psychology sa UST; si Agie Stockel na Biology graduate from FEU at into fashion design, painting, and hiking; at si Kao Pimentel na Tourism graduate with eight years of modeling experience.

Abangan ang tapatan ng freshest faces sa acting at modeling sa Family Feud ngayong March 26, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.