What's Hot

Anak ni Yasmien Kurdi, humihingi ng kapatid bilang Christmas gift

By Marah Ruiz
Published December 26, 2020 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI identified 20 steel plants making substandard, radioactive steel
Carlos Yulo looks beyond his double Olympic Gold medals
Jong Madaliday, may toyo ang Chicken Pastil?! | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi family


Paano tutuparin ni Yasmien Kurdi ang Christmas wish ng anak na humihiling sa kanya ng kapatid?

Katulad ng nakararami, naging mahirap din ang taong 2020 para kay Kapuso actress Yasmien Kurdi.

Dahil sa pandemya, naging matumal ang trabaho tulad ng taping para sa mga serye o TV guestings para kay Yasmien.

Nabawasan naman ang flights ng kanyang asawang si Rey Soldevilla na nagtatrabaho bilang piloto para sa isang commercial airline.

Gayunpaman, marami pa rin daw dapat ipagpasalamat sa taong ito si Yasmien.

"Na-realize ko, itong 2020, parang hindi mo na kailangan isipin na kailangan mong kumita ng napakalaki. Ang pinaka importante ngayon is ma-survive mo 'tong 2020. Kahit enough lang 'yung kitahin mo, basta ma-survive mo na safe ka with your family and loved ones," pahayag niya.

Yasmien Kurdi family

Samantala, hindi materyal na bagay kundi isang kapatid ang hiling ng nag-iisang anak ni Yasmien at Rey na si Ayesha para sa Pasko.

Dahil hindi pa ideal na magkaroon ng anak ngayong panahon ng pandemya, sa ibang paraan na lang daw nila tinupad ang hiling ni Ayesha.

Ipinakilala ni Yasmien ang newest member na kanilang pamilya -- si Casper, ang bago nilang alagang aso.

"For a short span of time, iba 'yung saya na binigay sa amin ni Casper. Kaya naman ikaw ang star nitong Pasko," maririnig na sambit ni Rey sa isang vlog ni Yasmien.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.