
Maraming fans ng Sparkle actress na si Yasmien Kurdi ang nag-alala sa magkasunod niyang post kahapon, September 17 sa Instagram Story tungkol sa kaniyang anak na si Ayesha Zara .
Base sa update ni Yasmien, kinailangan na nila isugod ang panganay nilang anak sa ospital.
Sa sumunod niyang Instagram post ng Martes ng gabi, kinumpirma ng aktres na nakaramdam ng stomach pain at pagsusuka si Ayesha. Hiling din nito ang agaran paggaling ng panganay nila ni Rey.
Sabi niya, “Ate Ayesha was rushed to the ER with stomach pain, vomiting, and dehydration. Little Raya stopped by to visit her ate. Get well soon, our precious girl. We love you so much! ️ #GetWellSoon #AyeshaZara”
Ilang celebrities din ang dumamay sa pamilya ni Yasmien at dasal din nila na bumuti na ang lagay ni Ayesha kabilang dito sina Joross Gamboa, Rodjun Cruz, at Charee Pineda.
Isinilang naman ni Yasmien Kurdi ang second baby niya na si Raya Layla noong April 28, 2024.
RELATED CONTENT: Celebrities who had health concerns this year