
Isa sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Emman Atienza si Ynez Veneracion, kasama ang kanyang anak na si Princess.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang ilang larawan ng anak kasama si Kim Atienza sa burol ni Emman. Ikinuwento niya kung paano nagsilbing inspirasyon si Emman para sa kanyang anak, at nagpaabot din siya ng pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya Atienza.
“Be a Little Kind Every Day,” isinulat ni Ynez.
"We went to the wake of Emman Atienza last night. Even though I don't personally know Kuya Kim, seeing him and getting the chance to talk to him was truly a blessing. I saw the kindness and sincerity in his heart,” pahayag ng aktres.
Ibinahagi ni Ynez na wala siyang pag-aalinlangan sa pagiging “kind, sweet, and generous” ni Emman. Humanga rin siya kay Kuya Kim bilang magulang dahil kahit nakakaramdam ito ng matinding lungkot at pagod ay nagagawa pa rin nitong ngumiti at tanggapin ang mga dumadalaw sa burol ni Emman.
“My daughter Princess Mangudadatu is a huge fan of Emman,” ikinuwento niya.
Dagdag pa niya, “She admires the way she speaks, dresses, and thinks. Her beauty and intelligence truly inspired my little princess. So when my daughter heard the news about Emman's passing, she cried!”
Ikinuwento ni Ynez na niyakap ni Kim ng mahigpit si Princess nang malaman niya na iniidolo nito ang kanyang anak. Nagbigay din si Kim ng nakaka-inspire na mensahe kay Princess.
“If you want to honor Emman, LIVE! Be STRONG! That's our deal, okay?” sabi ni Kim.
“My daughter cried even more after that… and so did I. I could feel Kuya Kim's pain, and as a parent also facing mental health struggles, I deeply understood it,” aniya.
Inamin ni Ynez na nagsilbing inspirasyon sa kanya ang buong pamilya Atienza at sumisimbolo sila ng “strength, faith, and love” matapos niyang masaksihan ang pinagdaanan ni Kim.
Nagbigay din siya ng mensahe para sa mga tao na manatiling mabuti dahil ang bawat isa ay may pinagdadaanan.
“Emman fought her battles silently. We may never truly know the depth of someone's struggles. So please, let's not judge her or anyone else who may be fighting the same fight. We are not in their shoes, and it's not our place to judge,” sabi ng aktres.
“What we can do is to choose kindness every day. Try to understand where others are coming from, and most of all, pray for their healing,” dagdag niya.
Nagpasalamat naman siya kay Kim sa malugod na pagtanggap sa kanilang pagdalaw.
“You are truly an inspiration to all parents. God bless you & your family!” pahayag ni Ynez. “In honor of Emman, we will continue to live with kindness, strength, and love.”
Pumanaw si Emman noong October 22 sa edad na 19. Nakaburol ang Sparkle artist sa The Heritage Memorial Park mula November 3 hanggang November 4.
Si Princess ang panganay na anak ni Ynez kay Maguindanao Governor Toto Mangudadatu. Ang bunso naman niyang si Jianna Kyler ay anak niya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bryan Julius Recto.
RELATED GALLERY: Celebrities call for kindness in the wake of Emman Atienza's death