What's Hot

Anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, papasok din ba sa showbiz?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump lands in China for Xi summit with Nvidia CEO in tow
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News



Papayag ba si Marian kung gustong mag-artista ng kanilang panganay?
By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Pagkatapos magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa kanyang baby at sa mga posibleng pangalan nito, nagbigay naman si Marian Rivera ng kanyang saloobin kung papayag ba siyang pumasok ang kanyang anak sa mundo ng showbiz tulad nila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.
 
Nakangiting pahayag ng blooming mommy na si Marian, "Hay nako 'wag muna, mag-aral muna siya."
 
"Mahirap e. Depende rin kasi. Hindi ko alam. Pero sa ngayon sa punto ko sa buhay ko, sabi ko talaga naranasan ko sa showbiz, so gusto ko 'yung anak ko mag-aral muna." dagdag ng Primetime Queen.
 
Ibinahagi rin ni Marian na ngayon pa lamang ay may signs na ng pagka-stage father si Dingdong sa kanilang anak.
 
Aniya, "Ewan ko sa tatay niya. Mukhang stage father si Dong e. Mas mukha siyang stage father kesa sa akin."
 
Dagdag ni Marian, susuportahan niya ang kanilang anak kahit ano pa man ang career na gusto nitong tahakin in the future. 
 
"Minsan mahirap pangunahan yung mga bagay bagay. Malay mo 'pag lumabas yung anak ko ayaw naman niyang mag-artista. Malay mo, doktor ang gusto niya, ang layo 'di ba? So hintayin ko kung ano ang gusto niya paglaki niya. Basta kami ni Dong, susuportahan namin siya, mamahalin namin siya at papalakihin namin siya ng maayos."