GMA Logo
Celebrity Life

Anak nina Paolo Contis at LJ Reyes kating-kati nang umalis ng bahay

By Cara Emmeline Garcia
Published April 13, 2020 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Bagot na bagot ka na ba sa bahay katulad ng anak nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Baby Summer?

Ultimate quarantine mood ang baby girl nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Baby Summer!

Sa latest video ng comedian, kitang kating-kati na umalis ng bahay ang kanilang baby girl kaya naman naisipan ng mag-asawang dalhin si Summer sa kotse at sumakay rito.

Nang sabihan ito ng ina na oras na para bumalik na sa bahay, umiling na lamang siya.

Sulat ni Paolo, “Quarantine Day 30! Wawa naman 'tong maliit na 'to! Labas na labas na!

“Pinasok namin sa sasakyan sandali! Ayaw na lumabas! Matagal na pilitan bago siya pumayag.”

Quarantine Day 30! Wawa naman tong maliit na to! Labas na labas na! 😂😂😂 pinasok namin sa sasakyan sandali! Ayaw na lumabas! 😂😂😂 matagal na pilitan bago siya pumayag! 😂

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on


Patok na patok naman ang video na ito sa ilang fans dahil relate na relate sila sa feeling ng anak nina Paolo at LJ.

Ani Magkaagaw actress Lovely Abella, “Gusto ng mamasyal!”

Sa isang Instagram post, ibinahagi rin ni Paolo ang mga plano niya matapos ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at Metro Manila.

Ang unang-una sa kanyang list? Dalhin sa isang “proper date” ang kanyang life partner na si LJ Reyes na nakararanas ng anxiety at insomnia kamakailan.

Aniya, “I can't wait to bring you on a proper date again after this.

“For now, K-drama marathon muna ang date natin gabi gabi! @lj_reyes saranghaeyo!!!”

I can't wait to bring you to a proper date again after this.. 😍❤️😘 for now, K-Drama marathon muna ang date night natin gabi gabi.!! 😂😂😂 @lj_reyes saranghaeyo!! 😍❤️😘

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Ayon sa pinakahuling ulat, nakatala na ng mahigit 4,000 confirmed cases sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH). Para maibsan ito, pinatagal ang enhanced community quarantine sa bansa hanggang April 30.

Meet Summer Ayana, the daughter of Paolo Contis and LJ Reyes

LJ Reyes tests son's knowledge on coronavirus and enhanced community quarantine