
Sa pagbisita nina Analyn Barro at Arra San Agustin sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 10, ibinahagi nila ang qualities na gusto nila sa isang lalaki at isa rito ay sana hindi maging kuripot ang kanilang mga makakarelasyon.
Paglilinaw ni Analyn, hindi naman kailangan dalhin siya sa mga mamahalin restaurant sa kanilang mga date, ngunit gusto niyang maramdaman na generous ang kaniyang boyfirend-to-be.
Pagsegunda ni Arra, “Na you know in the future na he can take care of you. Du'n kami nanggagaling na I guess it comes with age din na nare-realize namin ' yung mga ganitong bagay kasi before, when we had our past relationships, parang hindi naman kami ganu'n mag-isip, like hindi naman ganito kapraktikal.”
Pagpapatuloy pa ng aktres na sa pagtanda nila ni Analyn, na-realize nila na dapat ang dine-date nila ay 'yung magiging secured ang kanilang future.
“What if kunyari mabuntis ka, maging mom ka, you have to leave work, paano? Wala akong sarili kong money, walang mag-aalaga sa'kin,” sabi ni Arra.
Kaya naman, kahit importante sa kanila na generous ang kanilang makaka-date, mahalaga pa rin kina Analyn at Arra na financially independent sila. Sabi ng Bubble Gang star, importanteng meron siyang sariling pera bilang security kung sakaling iwan siya ng magiging partner.
“Iwan ka man ng magiging partner mo o hindi, alam mong kaya mo rin sa sarili mo. Kaya importante rin po sa amin na same level lang din po kami ng may kakayahan. Kasi mas maganda 'yung buhay namin, mas maganda 'yung future namin kung pareho kaming double income,” sabi ni Analyn.
BALIKAN ANG MODERN KAPUSO SERIES NA MAY TEMANG WOMEN EMPOWERMENT SA GALLERY NA ITO:
Samantala, ibinahagi rin ni Arra ang ilan sa mga red flags para sa kaniya. Aniya, madali siyang ma-turn off sa mga lalaki na may chicken legs. Ito ay ang pagkakaroon ng well-developed upper body, pero underdeveloped na lower body.
Pagdating naman sa personality, sabi ni Arra, “Ayoko ng mayabang or pa-flex, masyadong flashy, ganu'n.”
Panoorin ang panayam kina Analyn at Arra rito: