GMA Logo analyn barro
Courtesy: Analyn Barro on Facebook
What's Hot

Analyn Barro, gaganap na 'boldstar' sa pagbibidahang pelikula

By Nherz Almo
Published October 10, 2026 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: Food adventure and kulitan with Matt Lozano and John Feir!
Stray dogs, bakit biglang lumalapit sa isang delivery rider? | GMA News Feed
Hakot Relay proves a hit with runners in Imus

Article Inside Page


Showbiz News

analyn barro


Analyn Barro: “Like what I've said sa mga interviews ko before, 'Funny is the new sexy.'”

Sa unang pagkakataon, bibida si Analyn Barro sa romantic-comedy movie na He's Dating a Boldstar.

Sa media conference ng pelikula kahapon, October 9, inamin ni Analyn na mabigat ang interpretasyon niya sa salitang “boldstar,” na bahagi ng titulo ng pelikulang pagbibidahan nila ng social media personality na si Malupiton.

“Yung boldstar po very, very strong word talaga para sa akin, Kapag sinabi mong boldstar, 'Uy, bold 'to. Talagang all-out 'to,' parang ganun,” sabi ng Kapuso actress.

Pero agad niyang sinabi na huwag daw muna husgahan ang kanilang pelikula dahil hindi ito “bold.”

“Don't judge the book by its cover,” natatawang sabi ni Analyn.

“Kumbaga, panoorin muna nila 'tong movie na 'to. Kasi, hindi naman ito talagang all-out boldstar talaga.”

Sa pelikulang ito, naiba raw ang tingin niya sa salitang "boldstar."

Ani Analyn, “Yung dating sa akin ng word na yun ngayon, pwede ka rin namang maging sexy na hindi pinapakita ang katawan mo. Like what I've said sa mga interviews ko before, funny is the new sexy. So, funny is the new boldstar. Hindi naman po kailangan lahat ipakita. It's more on skill, talent, and pagpapatawa.”

On her sexy image

Bago pa ang pelikulang ito, nakilala na si Analyn bilang isang sexy star dahil na rin sa matagal nang pagiging bahagi niya sa longest-running gag show na Bubble Gang.

Kaya naman, para sa aktres, tanggap na rin niya ang kanyang sexy image.

Paliwanag niya, “To me, since ang second regular show ko sa GMA was Bubble Gang, and almost a decade na rin ako sa Bubble Gang. Naging training ground ko po siya. Naabutan ko po ang Bubble Gang na hindi pa wholesome, hindi pa kami Sunday show. Dati po kasi every Friday night siya. Naabutan ko po talaga yung sexy-sexy, ganyan. Kaya parang… Hindi naman po sa nasanay, pero parang dahil naumpisahan ako sa ganung klaseng genre, parang I'm kinda used to it na rin po. Parang hindi na rin siya naging adjustment for me, yung sexy image.”

Ayon pa sa aktres, hanggang pagpapa-sexy lang naman ang kanyang ginagawa. Kaya, aniya, “As long as hindi po ako yung all-out sexy, I'm okay with it.”

Dagdag katuwiran pa niya. “Kasi, sayang naman po ang ating natural features. Sayang naman po ang ginawa ng mama at papa ko. Puwede naman po nating i-flex nang di po all-out.”

Mabuti na lang din daw at wala naman siyang masamang karanasan sa kanyang sexy image, lalo na kung lumalabas siya.

“Parang nasanay na rin po ako na ganun ang tingin po nila. Luckily naman po, wala namang pong nambastos sa akin. Kumbaga, wala naman po akong na-receive na any pambabastos.”

Para kay Analyn, walang problema sa kanya kung makilala siya bilang isang sexy actress sa matagal na panahon.

“Okay lang naman po sa akin, as long as hindi all-out. Okay lang po sa akin yung sexy—yung cleavage-cleavage lang, likod-likod lang. Basta ang importante po, e, hindi po all-out kasi ayaw po ng papa ko nun,” natatawang sabi ni Analyn.

Related gallery: Analyn Barro bares more in new daring photos

On working with Malupiton

Samantala, natutuwa naman si Analyn na maging leading lady ng kilalang social media personality na si Malupiton.

Inamin niya na isa rin siya sa maraming Pilipinong sumusubaybay sa kanyang funny videos online.

“Nakikita ko lang 'to sa mga reels. Bago ako matulog pinapanood ko siya. Habang naliligo ako, pinapanood ko siya, yung mga comedy reels niya.”

Naging magaan daw ang kanilang pagsasama sa set, lalo na sa paggawa ng kanilang mga nakakatawang eksena.

“Noong nalaman ko na si Malupiton ang partner ko, 'Okay, go,' hindi ko pa nababasa ang script. Go agad ako kasi alam ko na, yung nga, magaling talaga siya sa comedy. Sure din ako na magkaka-jive kami when it comes to comedy.

“Surprisingly rin talaga, ang ganda rin ng banter namin sa comedy. Sana ay panoorin n'yo po at abangan ninyo ang movie na ito,” paglalahad ng aktres.

Panoorin sina Anayln at Malupiton sa pelikulang idinerehe ni Niokz Arcega, ang He's Dating a Gangster, sa mga sinehan simula October 28.