GMA Logo Analyn Barro
What's on TV

Analyn Barro, inamin na mayroon siyang na-friendzone

By Dianne Mariano
Published January 1, 2022 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Usa ka Chapel sa Mandaue City, Nangandam na alang sa Sinulog | Balitang Bisdak
Elderly man, young girl hurt in strong blast in Tondo, Manila
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Analyn Barro


Sa latest episode ng 'Ladies' Room,' ibinahagi ni Kapuso actress Analyn Barro na mayroon na siyang na-friendzone. Alamin ang kanyang paliwanag DITO.

Isang year-end pasabog ang hatid nina Bubble Gang babes Lovely Abella at Analyn Barro sa latest episode ng Ladies Room kahapon (December 31) kasama ang kanilang kapwa Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa.

Iba't ibang nakakaintrigang tanong na nagsisimula sa “Paano Kung” ang kailangang sagutin ng sexy Kapuso stars at isa na dito ay tanong na: “Paano kung… gusto mong i-friendzone ang best friend mong may gusto sa'yo?”

Unang sumagot si Analyn at inamin na nagawa na nitong i-friendzone ang isa niyang kaibigan.

Paliwanag ng aktres, “Hindi siya 'yung parang super super best friend pero matalik na kaibigan ko rin siya. Tapos parang nung papunta na do'n, paaminin na siya, inunahan ko na siya. Sabi ko, 'Kung may intensyon ka sa aking more than friends. Hindi ko siya kayang tapatan. So, better yet, hindi na muna tayo magsama.'”

Dagdag pa niya, “Kasi baka mabigyan mo siya ng kahulugan e. So, diniretso ko talaga sa kanya, sasabihin ko kaysa makasakit ka pa ng tao in the long run. Also, mabuti nang alam mo na kaagad para 'yun na 'yon. Hindi ko kayang higitan 'yon. Sorry hanggang dito lang.”

Ayon naman sa sikat na cosplayer at gamer, gano'n din ang kanyang magiging reaksyon sa ibinigay na sitwasyon.

Aniya, “Gano'n din, sasabihin ko ng rekta na, 'Ayokong umasa ka pero I'm not looking for someone.' Or sasabihin ko sa kanya, 'Best friend kita e. Ikaw 'yung taong tinatakbuhan ko kapag may problema pero hindi kita nakikita as more than that.' Gano'n na lang siguro.”

Para kay Lovely, kung mahal at gusto rin daw niya ang kanyang best friend, pipiliin niya itong mahalin. Ngunit, kung hindi niya ito mahal, aaminin niya ito.

“Kung mangyari man sa akin 'yon, kung love ko 'yung best friend ko at gusto ko rin siya, why not. Pero kung hindi talaga, aaminin ko,” pagbabahagi niya.

Panoorin ang buong year-end pasabog episode ng Ladies Room sa video na ito.

Samantala, tingnan ang hottest looks ni Analyn Barro sa gallery na ito.