
Ngayong Miyerkules, September 13, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, muling magkakaharap ang mala-aso't pusa na sina Analyn (Jillian Ward) at Zoey (Kazel Kinouchi).
Matapos iligtas ni Analyn si Zoey mula kay Aling Melba (Manilyn Reynes), tila walang pakialam ang bully doctor sa nangyari sa batang doktor.
Habang si Zoey ay patuloy na nagiging malupit kay Analyn, ang huli naman ay mas nagigising na sa katotohanan tungkol sa masamang ugali ng una.
Sa bagong episode ng serye, bibisita si Zoey sa Eastridge Medical Hospital at makakausap niya ang kanyang tunay na ama na si Doc Carlos (Allen Dizon).
Bukod sa kanya, makikita rin ni Zoey si Analyn at magsisimula na naman silang magbangayan.
Sa naturang episode, dapat abangan ang mabigat na desisyon ni Analyn tungkol sa pakikitungo niya sa inaakala niyang tunay niyang kapatid na si Zoey.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Zoey sa mga sasabihin ni Analyn?
Makonsensya kaya siya sa mga ginawa niya sa batang doktor kahit na puro kabutihan ang ipinapakita nito sa kanya mula pa noong sila ay bata pa?
Silipin ang ilang eksena sa episode na mapapanood mamaya sa teaser video na ito:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/