GMA Logo Zhou Dong Yu and Xu Kai
What's Hot

'Ancient Love Poetry,' mapapanood sa GMA Fantaseries ngayong Nobyembre

By Aimee Anoc
Published November 3, 2022 5:55 PM PHT
Updated November 27, 2022 10:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Zhou Dong Yu and Xu Kai


Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig? Abangan ang 'Ancient Love Poetry' sa GMA Fantaseries ngayong Nobyembre.

Samahan sina Zhou Dong Yu at Xu Kai bilang ang mga immortal na sina Shang Gu at Bai Jue sa pinakabagong fantaseries ng GMA, ang Ancient Love Poetry.

Ang Chinese historical series na ito ay hango mula sa nobelang Ancient God ni Xing Ling.

Makakasama sa natatanging kuwento ng pag-ibig nina Zhou Dong Yu at Xu Kai sina Liu Xue Yi (Tian Qi), at Li Ze Feng (Zhi Yang).

Iikot ang kuwento ng Ancient Love Poetry sa immortal na si Shang Gu, na isinakripisyo ang sarili para maprotektahan ang sangkatauhan. Nang bumalik sa mundo matapos ang libo-libong taon, wala nang maalala si Shang Gu sa kanyang nakaraan, maging ang pag-ibig niya kay Bai Jue, ang isa sa tatlong immortal na natira matapos siyang mawala.

Dahil sa wagas na pagmamahal kay Shang Gu, ibinigay ni Bai Jue ang sariling buhay kapalit ng kaluluwa ni Shang Gu. Dito muling naalala ng una ang pagmamahalan na mayroon silang dalawa.

Sapat kaya ang habang buhay na paghihintay ni Shang Gu para maibalik ang minamahal?

Abangan ang Ancient Love Poetry ngayong Nobyembre sa GMA Fantaseries.