
Bagamat lumalayo na sa showbiz si Andi Eigenmann, tila hindi pa rin siya tinatantanan ng mga maintrigang mata ng publiko.
Katulad na lamang ng umano'y pang-iintriga ng mga tao sa kanyang sugat sa mukha, na makikita sa nakaraan niyang Instagram Story.
Kaya naman, agad niya itong nilinaw sa pamamagitan din ng Instagram stories kahapon, September 13.
“This is for the chismosa and pakelamera/s out there,” bungad ni Andi.
Kasunod nito ay muli niyang ipinost ang larawan niya noong September 9, kung kalian tinanong niya ang kanyang followers kung ano'ng mabisang gamot sa allergic reaction.
Binigyang pansin niya sa post na ito ang maliit na sugat na makikita sa pagitan ng kanyang dalawang mata.
Sabi ni Andi, “This wound is from not paying attention to my board in the water while I was making kulitan with Dagul."
"Due to the impact, my eyes and nose swelled. Something @chepoxz always tells me to be careful NO MATTER THE CONDITION OF THE WAVES. It was super lowtide, at walang alon, so I was careless. And he was right.”
Andi was referring to her rumored boyfriend Philmar Alipayo, isang champion surfer.
LOOK: Is Andi Eigenmann dating this surfer from Siargao?
Sa sumunod na post, ibinahagi naman ni Andi ang larawan niya kung saan makikitang tila natuyo na ang sugat sa kanyang mukha.
Patuloy na paliwanag niya, “Then after the swelling subsided it turned into this. So NO. nobody beat me up. Nobody hurt me. I am fine! Accidents happen. I love surfing! And if no minor accident will make me quit, neither can your nonsense.”
Sa huli, muling idiniin ni Andi, “This is for all those who are so good at exaggerating and creating stories in their heads.”