GMA Logo Andi Eigenmann
What's Hot

Andi Eigenmann, kinilig sa puso ng saging bouquet na iniregalo ni Philmar Alipayo

By EJ Chua
Published February 14, 2025 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Andi Eigenmann


May kakaibang sorpresa si Philmar Alipayo para sa kaniyang fiancée na si Andi Eigenmann!

Trending sa social media ang kilig moments nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann ngayong Valentine's Day.

Sa isang video sa Instagram, masayang ibinida ni Philmar ang kakaibang regalo niya para kay Andi na siya mismo ang gumawa.

Mapapanood sa Instagram Reels na labis na nasorpresa si Andi nung iabot sa kaniya ng kaniyang fiancé ang isang bouquet na gawa sa puso ng saging.

“Bahala saging basta kinasing kasing,” sulat ng Professional surfer sa caption ng kaniyang latest post.

Makulit namang biro ni Andi sa Valentine's gift sa kaniya ni Philmar, “Guys look, we have lunch.”

Kasunod nito, sweet na sweet na nagpasalamat at bumati si Andi sa kaniyang partner, “Thanks mahal. Happy Valentine's.”

Sa huling parte ng video, tampok ang kanilang adorable kids na sina Lilo at Koa na tila kinilig din sa kanilang nasaksihang sorpresa.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 21,000 views ang video nina Philmar at Andi.

Samantala, mababasa sa comments section ng ilang post na related dito ang iba't ibang reaksyon ng netizens sa umano'y pambawi raw sa recent issue tungkol sa relasyon ng dalawa.

Matatandaang bago sumapit ang Araw ng mga Puso, naging usap-usapan online ang cryptic Instagram post ni Andi tungkol sa umano'y pagtataksil na kaniyang naranasan kung saan na-involve ang babaeng kaibigan ni Philmar na si Pernilla Sjoo.

Related gallery: Andi Eigenmann and Philmar Alipayo respond to breakup speculations