What's on TV

Andi Eigenmann, tampok sa second episode ng 'My Mother, My Story'

By Kristine Kang
Published June 4, 2024 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda Andi Eigenmann and Philmar Alipayo


Abangan ang madamdaming interview ni Andi Eigenmann tungkol sa kaniyang inang si Jaclyn Jose sa 'My Mother, My Story.'

Magiging espesyal muli ang ating Linggo dahil isa na namang heartfelt story ang mapapanood sa limited talk series na My Mother, My Story.

Bigatin at puno ng emosyon ang matutunghayan sa second episode dahil tampok dito ang aktres at content creator na si Andi Eigenmann.

Ang kaniyang panayam kasama ang King of Talk na si Boy Abunda ang magiging kauna-unahan niyang interview kung saan pag-uuspan ang kaniyang ina, ang international multi-awarded actress na si Jaclyn Jose, mula nang pumanaw ito. Ikukuwento ni Andi ang kaniyang life lessons at kung paano siya pinalaki ng kaniyang minamahal na nanay.

Sa isang exclusive interview, inilarawan ni Tito Boy ang kanilang panayam sa programa na "napaka heartwarming at compelling".

Paliwanag niya, "It was compelling because they deliberately shared with me, not just their story but they shared with us who they are, and malaking bagay iyon sa akin."

Dagdag din ni Boy Abunda, "It takes an interviewee to make a conversation riveting, compelling, even arresting. I have always enjoyed my conversations with Andi Eigenmann mula pa noong bata si Andi dahil sumasagot 'yan ng tanong. 'Pag hindi siya sigurado, hindi siya natatakot sabihin na hindi sigurado. 'Pag sigurado siya, sinasabi niya, so napaka refreshing as an interviewee."

Ang kuwento ni Andi ay isa sa anim na itatampok na celebrities ng My Mother, My Story. Ito ay kasunod ng pilot episode ng tv special, kung saan itinampok naman ang buhay ni Luis Manzano at ang kaniyang nanay na si Vilma Santos.

Lahat ng guests sa programa ay magbabahagi ng kanilang istorya at kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang. Ikukuwento rin ang kanilang karanasan kung paano sila tinaguyod, nasaktan, natutong magmahal, at iba pang mga pangyayari sa buhay nila na humubog sa kanilang pagkatao.

Subaybayan ang heartfelt episode ng tv special na My Mother, My Story tampok si Andi Eigenmann ngayong Linggo, June 9, 3:15 p.m. - 4:15 p.m. sa GMA.

RELATED CONTENT: 'My Mother, My Story': Luis Manzano, pinalayas ni Vilma Santos noong binata siya