
Kung hindi n'yo pa nakitang maglaro ng basketball ang dating aktres na si Jackie Forster, ina nina Andre at Kobe Paras, hindi n'yo maiisip na magaling pala itong mag-shoot ng bola.
Ibinahagi ni Jackie kamakailan ang dalawang video clip kung saan makikita siya sa basketball court at nagpa-practice shooting kasama ang dalawang mas nakakabatang mga anak.
Maging ng mga netizens, napansin ang galing ng basketball skills ni Jackie.
Si Andre at Kobe ay mga anak ni Jackie sa dating asawa na si Benjie Paras. Silipin sa gallery na ito ang iba pang bonding moments ng mag-iinang Jackie Forster at Andre and Kobe Paras: