Sa ilalim ng direksyon ni Wenn V. Deramas, mapapanood na ang Wang Fam sa mga sinehan simula November 18.
By AL KENDRICK NOGUERA
Pagpasok ng Nobyembre, mapupuno ng kababalaghan at katatawanan ang big screens dahil ipapalabas na ang tinaguriang comedy-horror movie of the year, ang 'Wang Fam' na produced ng Viva Films.
A photo posted by andré alonzo paras (@andreparas) on
Kabilang sa cast ang 'The Half Sisters' star na si Andre Paras bilang miyembro ng pamilyang Wang. Sila ang mga nakakatawang aswang na makikisalamuha sa mga normal na tao. Hindi kalaunan ay mahuhulog ang loob ng role ni Andre sa isang mortal at ito ay magiging isang malaking problema para sa kanyang pamilya.
Bukod kay Andre, naroon din si 'Sunday PinaSaya' star Joey Paras at ang 'Marimar' cast member na si Candy Pangilinan.
Sa ilalim ng direksyon ni Wenn V. Deramas, mapapanood na ang 'Wang Fam' sa mga sinehan simula November 18.