GMA Logo Andre Paras
What's Hot

Andre Paras, namigay ng sapatos sa kanyang latest online show

By Jansen Ramos
Published July 14, 2020 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nakasalubong ng isang pulis, naging mitsa ng gulo | GMA Integrated Newsfeed
'Straight from the Expert: Beauty Queen Boot Camp Part 2' teaser
Impeachment complaints batok VPSD, gideklarang ‘sufficient in substance’ | One Mindanao

Article Inside Page


Showbiz News

Andre Paras


Bukod sa sapatos, nagpa-give away rin si Andre Paras ng GMA Affordabox digital TV receiver, GMA Affordabox shirt, at basketball jersey na ginamit niya noong naglaro siya sa PBA-D League.

Sinorpresa ni Andre Paras ang viewers ng kanyang latest online show matapos ianunsyong mamimigay siya ng sapatos sa tatlong lucky fans, na kasing-shoe size niya. Size 14 ng sukat ng paa ni Andre.

Nangyari ito noong July 9 sa isang Facebook Live ng Descendants of the Sun, kung saan nagsagawa siya ng sneaker-cleaning tutorial.

Marami kasi ang nag-request kay Andre na ipa-give away ang dalawang pares ng sapatos na ginamit niya para sa tutorial. Gayunpaman, hindi ito inaprubahan ng Kapuso star dahil may sentimental value ang mga ito sa kanya. Halimbawa na lang ang kanyang Vans high-cut sneakers na sinulatan ng mga salitang "Stay wavy" ng kanyang kapatid na si Kobe Paras. Apat na taon na ang sapatos kay Andre.

Hindi naman binigo ni Andre ang kanyang fans dahil, sa halip, minabuti niyang maghanap ng ibang pares ng sapatos mula sa kanyang koleksyon na ipamimigay niya sa tatlong loyal viewers ng online show.

Ika niya, "Everyone with big feet has to have their own pair of shoes. I know how hard it is to find shoes dito lalo na tayong malalaki ang paa. Size 14 and above, mahirap 'yan. So if you need size 14 shoes, let me know. DM away and I'll see what I can find."

Bukod sa sapatos, ipina-give away din ni Andre ang basketball jersey niya noong naging player siya ng basketball team ng AMA Computer University sa PBA-D League. Pati ang isang GMA Affordabox digital TV receiver at isang GMA Affordabox shirt.

Para sa iba pang sorpresa, i-follow ang official Facebook page ng Descendants of the Sun at subaybayan ang Facebook Live ng programa every Thursday at 7 p.m.