What's on TV

Andre Paras, tinototoo na ang pagiging love team nila ni Barbie Forteza?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 23, 2020 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



"May something na sa mata niya kapag tumitingin siya sa 'kin." - Barbie Forteza
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kamakailan ay bumisita ang The Half Sisters teen stars na sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, Derrick Monasterio at Andre Paras sa The Ryzza Mae Show. Isa sa mga pinag-usapan ay ang relationship ni Barbie sa kanyang dalawang leading men na sina Derrick at Andre.

Unang tinanong ni Aling Maliit kung gaano ka-close si Barbie kay Derrick. “Kasi kami 'yung pinakamatagal magkasama sa aming apat kaya't alam na alam na niya 'yung nararamdam ko. Tight na tight na kami ni Derrick. Sobrang close kami,” pahayag ni Barbie.

Dagdag pa ni Barbie, sa sobrang close niya ay kabisado na nila ni Derrick ang isa’t-isa. Aniya, “Wala na akong maitatago sa kanya. Minsan nga kahit hindi ako nagsasalita or hindi ako nagkukuwento, alam na niya 'yung status ko sa buhay.”

Nang tanungin naman tungkol kay Andre, may inamin si Barbie. “Kasi puro kami kulitan offcam, puro kami asaran. Pero kapag mayroon kaming eksena ni Andre na sweet, kapag nag-action na, iba na 'yung tingin niya sa 'kin. Iba na 'yung mata niya kapag nakikita ko siya,” saad niya.

Kahit daw si Barbie ay nalilito dahil parang tinototoo na ni Andre ‘yung sweet scenes nilang dalawa. “Hindi ko alam kung nagsasa-Bradley na talaga siya. Basta may something na sa mata niya kapag tumitingin siya sa 'kin,” anang The Half Sisters star.

“So ako, hindi ako makatingin sa kanya bukod pa sa ang taas niya,” biro ni Barbie.