
Sa isang masayang vlog kasama ang It's Showtime host na si Vice Ganda, nagkuwento ang aktres na si Andrea Brillantes tungkol sa kaniyang pagiging isang girlfriend.
Ayon sa Gen Z actress, todo-bigay din siya kung magmahal sa kaniyang mga naging partner.
Aniya, “Actually bakla rin ako magmahal. Bakla ako mag-regalo, sobra.”
Tanong naman ni Vice kay Andrea, “Ano 'yung pinakamahal mong nabigay mo sa diyowa?”
Sagot naman ng aktres, “Siguro umabot ng milyon? Hindi po talaga siya bagay actually.”
Kasama rin nina Vice at Andrea ang ate ng aktres na siyang nagtuloy ng kuwento sa nasabing vlog.
Pagbubuod ni Vice, “Pinush mo raw 'yung diyowa mo para makasama doon sa project tapos kahit walang talent fee ibinawas na lang sa'yo.”
“Ganun ako mag-love e,” pagsang-ayon naman ni Andrea.
Dagdag pa ng dalagang aktres, “Wala akong pinagsisihan kasi nagmahal ako.”
Aminado naman si Andrea na hindi rin siya perpektong partner at nakagawa rin siya ng mali sa kaniyang mga naging relasyon.
“Kung meron man akong pinagsisihan ay 'yung mga bagay na sinabi kong masakit kasi aaminin ko hindi rin ako perfect na girlfriend lalo na bagets bagets pa ko ang dami ko ring mga hindi magandang nagawa,” anang aktres.
Kuwento pa ni Andrea, hindi rin niya ugali ang magbalik at kumuha ng mga naging regalo nila sa isa't isa ng ex-partner.
Aniya, “Yung iba naman po kung maganda 'yung memories hindi ko siya sinosoli, at kahit kung pangit 'yung memory pero cute na cute 'yung bag, bakit ko isosoli?
“Sentimental po ako e, although 'yung isa balak kong isangla kasi hindi ko na po nakikita 'yung sarili kong susuotin 'yun kasi.”
Hirit pa ng aktres, “Kasi meme kapag kinuha ko kasi lahat ng binigay ko sa kaniya, wala na siyang gamit sa condo niya.”
Samantala, matatandaan na naging kontrobersiyal ang recent break-up ni Andrea sa ex-boyfriend niya at celebrity basketball player na si Ricci Rivero.
Kamakailaan, sumalang pa si Ricci sa isang interview sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan kinumpirma nga niya ang naging hiwalayan nila ni Andrea.
BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA ANDREA BRILLANTES AT RICCI RIVERO SA GALLERY NA ITO: