
Tampok ngayong Sabado sa "Pagdurusa ni Milagros" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng isang ina na tuluyang nawala sa katinuan dala ng sunod-sunod na pagsubok sa buhay.
Isang mapagmahal na ina si Milagros (Andrea Del Rosario) sa kanyang dalawang anak na babae na sina Sarah (Lexi Gonzales) at Yumi (Chesca Salcedo). Kahit mahirap, wala siyang hindi kayang gawin masuportahan lamang ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Pero kahit na anong kayod sa buhay, hindi pa rin magawa ni Milagros na maiahon ang pamilya sa pagkakalubog sa utang. Hanggang isang araw, unti-unti nang nawala sa katinuan si Milagros. Umaabot na rin sa puntong nasasaktan niya ang sariling mga anak.
"Kapag nakikita namin 'yung magulang naming itinatali na parang aso, sobrang sakit. Ikaw ba naman magulang mo tinatali na parang aso," kuwento ni Yumi sa Wish Ko Lang.
Dagdag ni Sarah, "Para sa aming mga anak po, masakit pong masabihan 'yung nanay niyo na ganun po... na baliw po."
Huwag palampasin ang nakaaantig na kuwento ng pamilya ni Milagros ngayong Sabado, April 9, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, mas kilalanin pa si Sparkle artist Lexi Gonzales sa gallery na ito: