
Pagbibidahan nina Andrea del Rosario, Geneva Cruz, Rafael Rosell, at Chloe Jenna ang "Palapag" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado.
Tampok sa bagong episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng misis na si Edna, na nagawang lokohin ng asawa at nakipagrelasyon sa mga nangungupahan sa ikalawa at ikatlong palapag ng kanilang bahay.
Bibigyang-buhay ni Andrea del Rosario ang kuwento ni Edna habang gagampanan naman ni Rafael Rosell ang babaerong asawa ni Edna na si Nicanor.
Pagbabahagi ni Andrea tungkol sa kanyang karakter, "My role is Edna siya 'yung asawa ni Nicanor and, unfortunately, itong si Nicanor ay pinagsabay-sabay niya sa iisang bahay ang kanyang mga girlfriends. Doon nagsimula ang kalbaryo para kay Edna."
Makakasama rin nina Andrea at Rafael sa episode na ito sina Geneva Cruz bilang Salve, Chloe Jenna bilang Marie, Tanya Ramos bilang Helen, Lienel Navidad bilang Bambi, Seb Pajarillo bilang Junjun, at Bernie "Berniecular" Batin bilang Peachy.
Huwag palampasin ang unang bahagi ng "Palapag" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 23, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI TANYA RAMOS SA GALLERY NA ITO: