What's on TV

Andrea Del Rosario, kakaiba ang role sa 'Love You Stranger'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 7, 2022 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin
Water Resilience - Global Compact Network Philippines | Need To Know

Article Inside Page


Showbiz News

andrea del rosario on love you stranger


Ano kaya ang talagang nangyari sa karakter ni Andrea sa 'Love You Stranger?' Alamin DITO.

Aminado ang aktres na si Andrea Del Rosario na kakaibang karakter ang kanyang ginagampanan sa mystery-romance miniseries ng GMA Public Affairs na Love You Stranger, kung saan makikilala siya bilang si Lorraine.

May hindi maipaliwanag na takot si Lorraine sa anino at sa dilim kaya naman sobrang na-challenge si Andrea sa kanyang karakter.

Pag-amin niya sa report ni Cata Tibayan sa 24 Oras, "Mayroon siyang unexplained fear of the dark. 'Yung struggle [niya] between the normalcy and also living with this condition [is challenging.]"

Sa pilot episode ng Love You Stranger kahapon, June 6, nagsimula na ang istorya nina LJ (Gabbi Garcia) at Ben (Khalil Ramos) sa pagdiskubre nila sa misteryo ng Sta. Castela, kung saan nakuha ni Lorraine ang kanyang takot sa anino at sa dilim.

Dahil kakaiba ang istorya ng Love You Stranger, may ilang haka-haka ang mga manonood nito kung bakit nagkaganon si Lorraine. May iba ring pumuri sa pagbabalik ni Andrea sa drama.

Ano kaya ang totoong nangyari kung bakit biglang nagkaroon ng misteryosong sakit si Lorraine?

Abangan sa Love You Stranger, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood rin ang full catch-up episodes nito sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

Samantala, kilalanin ang kasama ni Andrea sa Love You Stranger dito: