
Pinag-uusapan ng viewers at netizens sa social media ang tambalan nina Andrea Torres at Benjamin Alves sa intense drama series na Akusada.
Related gallery: At the set of 'Akusada'
Sa mga nakaraang episodes, inilahad kung paano unang nagkakilala at muling nagtagpo sina Lorena at Wilfred, ang mga karakter nina Andrea at Benjamin sa naturang palabas.
Kasunod ng mga ito, marami ang talaga namang kinilig at patuloy na kinikilig sa kanilang undeniable chemistry.
Ang ilang mga tagahanga, tila hindi na makapaghintay ng susunod na episodes at mga eksena, kung saan inaabangan nila ang kilig moments ng dalawang Kapuso stars.
Narito ang positive reactions ng viewers at netizens sa loveteam nina Andrea at Benjamin:
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kina Andrea at Benjamin bago ang world premiere ng Akusada, ibinahagi nila na excited na silang maging magkatrabaho para sa isang teleserye.
Unang naging co-stars ang dalawa sa episode ng GMA drama anthology na Magpakailanman na pinamagatang "Ang Asawa Kong Aswang."
Huwag palampasin ang mga intense at nakakakilig pang mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related gallery: